“STOP, LOOK AND LISTEN’’ MGA KANDIDATO BUSISIING MABUTI

masalamin logo

DALAWANG  linggo na lang masasapinal na kung sino-sino ang mga bubuong national candidates ng iba’t ibang partidong pulitikal na lalahok sa 2022 election.Hanggang ngayon kasi, may mga line-up pa na butas pa rin at hindi pa fully- filled up ng mga kandidato samantalang mayroon din namang mga kandidatong piniling tumakbo bilang mga independent candidate.

Isa na rito si dating Speaker Alan Peter Cayetano na BTS pa rin kahit aalimbuyog siya ng ibang posisyon para sa 2022 elections. BTS dahil Balik Tayong Senado ang peg ngayon ni Cayetano. Sa estado ngayon ng ating political landscape, mas maigi ngang maging independent na lang dahil madiwara ang linyahan ng mga senador ng mga partido pulitikal. May mga hindi tayo inaakalang magkakasama ngayon sa mga senatorial line-up na dati ay magkakaaway at magkakaiba ng paniniwala at direksyon. May mga pagkakataon sa buhay na kailangan nating ipaglaban ang ating sariling paninindigan kaysa maging parte ka ng mga hakbang para lang sa iyong political interest.

Kung tutuusin walang kahirap-hirap nyang makukuhang muli ang kanyang posisyon bilang kongresista, sa katunayan nga dalawang presidential candidates na ang nangako sa kanyang muling maging Speaker of the House. Ngunit nanaig sa kanya na bumalik sa Senado para ipagpatuloy ang kanyang pagiging fiscalizer at mas makatulong para sa pag-ahon ng bansa sa dagok na idinulot ng pandemyang COVID-19.

Hindi na rin nagdalawang isip ang dating speaker na talikuran ang panawagan ng iba-t ibang religious at sectoral groups na tumakbo bilang pangulo dahil lalo lang magkakawatak-watak ang sitwasyon sa bansa.

Kaya nga naisip ni Cayetano na tumakbo bilang independent dahil gusto nyang makita ang kilos at galaw ng mga partido pulitikal kung paano nila ihahain ang kanilang mga programa sa taumbayan at kung ano-ano ang mga programang ito na makakatulong sa kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa. Ika nga, ‘’stop,look and listen’’ ang dapat ginagawa ngayon lalo na ng mga botante. Panawagan ni Cayetano, isang tabi muna ng bawat isa kung anong kulay ang iboboto nila. Dapat ay magmuni-muni muna, pag-aralan at tingnang mabuti ang mga kandidato kung ano ang kanilang mga plataporma de gobyerno. Kailangang makinig mabuti ng mga tao sa mga sinasabi ng mga kandidato na kaya nilang gawin para sa taumbayan lalo na ang kanilang mga kahinaan.

Kaya nga aminado si Cayetano na hanggang ngayon ay wala pa rin syang napipisil na susuportahang presidential at vice-presidential candidates sa pag-asang mailatag nya ang kanyang five-year economic development plan sa mga ito bago sya mamili ng susuportahan.

Sa ngayon, tatlong bagay ang tinitignan ni Cayetano sa kanyang paghahanap ng kanyang presidential at vice-presidential bet. Una na rito ay ang values ng bawat isa lalo na ang may matapang na paninindigan laban sa e-sabong, ang kasagutan ng mga ito sa kanyang five year economic development plan at kung ano ang kanilang tatahaking landas kapag iniharap sa kanila ang pagbibigay ng P10K ayuda sa mga iginupo ng pandemya.

Pangako ni Cayetano na kung papalarin syang makabalik sa senado, itutuloy nya ang paghahain ng P10K Ayuda bill bitbit ang paniniwala na kailangan itong gawin ng gobyerno sa loob ng tatlo hanggang limang taon. Sa katunayan, kinakausap na nya ang ibang kandidatong senador at incumbent senators na suportahan ang P10K Ayuda dahil kailangan ng taumbayan na makaahon mula sa paghihirap na idinulot ng pandemya.

46 thoughts on ““STOP, LOOK AND LISTEN’’ MGA KANDIDATO BUSISIING MABUTI”

  1. 744367 434859Wow, superb blog layout! How long have you been blogging for? you make blogging appear easy. The overall look of your site is magnificent, as effectively as the content! xrumer 238715

Comments are closed.