NATUKLASAN ang malaganap na illegal drug trade sa loob ng Quezon City Jail Male Dormitory nang masamsam ang humigit kumulang sa sa 700 gramo ng dried marijuana, mga arms cache at mga assorted improvised weapons sa greyhound operation ng Quezon City Police District sa loob ng piitan.
Ang sorpresang operasyon ay kasunod nang sumiklab na riot sa Quezon City Jail Male Dormitory nitong Mayo 13.
Nakumpiska ang mga droga at mga kontrabando sa jail cells ng Persons Deprived of Liberty na nagpasimula ng riot.
Kabilang sa mga nakumpiska ang isang caliber .38 revolver at 6 live ammunition, 23 piraso ng cal. 38 ammunition, 1 cal .45 ammunition, 700 gramo ng kush/marijuana bricks, 24 piraso ng marijuana sachets, 12 piraso ng candle used for sealing the marijuana sachets, 3 packs plastic sachets, improvised plastic sachet sealer, 99 pcs tobacco, 84 pcs improvised bladed weapons, 30 pcs ice picks , 46 pcs Indian arrows , 9 pcs slingshots, 104 pcs concrete nails, 5 pcs cellphones, 6 pcs charger adaptor.
Nabatid na kinailangan pang wasakin ng mga awtoridad ang mga konkretong dingding at sahig kung saan nakatago ang mga ilegal na droga at kontrabando.
Ang pagkakatuklas ng eksaktong lugar ng armory at storage area ng mga illegal drugs ay resulta ng ilang buwang covert operations upang malaman ang lawak ng illegal drug trade in jail sa loob ng QC jail .
Nagtataka naman ang mga awtoridad kung bakit hindi ito nalaman at natuklasan ng QC Jail warden na si JSupt. Michelle Ng Bonto nang magsagawa ng oplan greyhound nitong nakaraang mga buwan. EVELYN GARCIA