STRANDED 24 PINOY SEAFARERS SA CHINA GUTOM AT NAGKAKASAKIT NA

stranded

NANAWAGAN kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa lahat ng opisyal ng pamahalaan ang 24 Pinoy seaman na na-istranded sa Fuzhou, China na makauwi na sila.

Sa isang video, lulan ng barkong Fu Yuan Yu 7881 ang mga Pinoy at tatlong buwan nang istranded dahil sa COVID-19 pandemic.

Anila, kulang na ang kanilang pagkain at hindi na malinis ang tubig na iniinom kaya may mga nagkakasakit na.

Tiniyak naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang counter-part sa Beijing para saklolohan at mapauwi na ang mga Pinoy seafarer. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.