MAY 70,000 hanggang 80,000 pang overseas Filipino workers na na-stranded dahil sa pandemya ang pauuwiin sa bansa, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
“Isang concern natin itong new variant. Mga 70,000 to 80,000 ang darating pa na naapektuhan ng COVID-19, and then ‘yung naapektuhan ng travel ban sa UAE (United Arab Emirates), mahigit kumulang 5,000 sila. At ang mga dumadating na regular passengers, ‘yung uuwi talaga, magbabakasyon, so ganoon,” pahayag ni OWWA administrator Hans Cacdac sa isang panayam sa radyo.
Nauna nang pinalawig ng pamahalaan ang travel ban sa mga papasok na biyahero mula sa UAE at anim na iba pang bansa hanggang Hunyo 30 dahil sa banta ng Delta variant, o ang variant na nagmula sa India.
Samantala, sinabi ni Cacdac na inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang Special Allotment Release Order na P5.2 billion. Mas mababa ito sa P9.8 billion na orihinal na hiniling ng OWWA.
Inaprubahan din, aniya, ng DBM ang karagdagang cash allocation ng OWWA na P1.2 billion.
Ani Cacdac, ang P5.2 billion ay gagamitin para sa accommodation, cash aid at repatriation expenses ng OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
897578 485100Precisely what I was looking for, thankyou for putting up. 952255
305356 261100The electronic cigarette uses a battery and a small heating component the vaporize the e-liquid. This vapor can then be inhaled and exhaled 963247
574327 788199I found your weblog website on google and check a couple of of your early posts. Proceed to maintain up the superb operate. I just additional up your RSS feed to my MSN Info Reader. In search of forward to reading extra from you later on! 899704