(Ni CT SARIGUMBA)
MARAMI sa atin ang nagsipag-uwian sa kani-kanilang probinsiya nitong nagdaang Pasko. Ang ilan ay hindi pa bumabalik sa lungsod at itinuloy-tuloy na ang pagbabakasyon hanggang Bagong Taon. Samantalang ang ilan naman ay nagsipagbalik na para harapin ang kani-kanilang trabaho.
Nakatatamad isipin na matapos ang pagsasaya o pagdiriwang ng Pasko ay kailangan nating bumalik sa ating nakagawian at muling magtrabaho. Pero ganoon talaga ang buhay. Sabihin mang gusto nating mag-enjoy o ang magpahinga pa, kailangan nating magtrabaho. Kailangan nating gampanan ang mga nakaatang sa ating gawain.
At dahil marami ang nagsisipagbalikan na sa lungsod upang magtrabaho, narito ang ilan sa mga stress-free travel tips na dapat na isaisip:
I-CHECK ANG TRAVEL DOCUMENTS
Ang sarap nga namang mag-enjoy sa ibang lugar o kaya ay ang pag-uwi sa probinsiya para ma-kasama ang pamilya.
Marami sa atin ang mas piniling magtungo sa ibang lugar upang doon ipagdiwang ang Pasko. May ilan ding mas gusto ang manatili sa bahay.
Sa mga nasa ibang lugar at magta-travel pabalik sa kani-kanilang tahanan, isa sa kailangang i-check o siguraduhin ay ang mga travel document. Siguraduhing kompleto ang mga ito bago mag-travel o umalis.
Wala nga namang magiging problema kung sigurado kang dala o wala kang nakaligtaang dokumento.
Para rin masigurong wala talagang makaliligtaan o malilimutan, mainam din ang paggawa ng travel checklist.
LAGYAN NG LABEL ANG BAGAHE
Marami pa ring bumibiyahe sa panahon ngayon. Ang iba ay pauwi at ang ilan naman, patungo sa kani-kanilang probinsiya.
Hindi nga naman kasi lahat ng tao ay nakaaalis o nakauuwi kapag Pasko. Ang iba ay mas pini-piling manatili o ang umuwi sa kani-kanilang mahal sa buhay nang makapiling ang mga ito sa pagsalubong sa Bagong Taon.
At dahil tiyak na marami tayong makasasabay sa pagbiyahe, isa rin sa mainam gawin para maiwasan ang stress o inis ay ang paglalagay ng label sa ating bagahe. Kung may label ito ay hindi tayo mahihirapan at makikita natin ito kaagad.
Mainam din kung mayroon itong label upang hindi magkapalit-palit. Hindi rin kasi natin masasa-bing walang kapareho ang ating bagahe. Paano kung sa rami ng style, kulay at design ay nagkataong may kapareho pala ito. At kung wala itong label, baka mali ang makuha mo. Hassle pa ‘di ba?
Kaya siguraduhing may label ang iyong baggage o luggage nang maiwasan ang problema.
MAG-PACK NG SNACKS
Marami sa atin ang nagdadala ng snacks lalo na kapag may kasamang bata. Pero hindi lang naman kapag may kasamang bagets tayo dapat na magdala ng makakain gaya ng biskwit at kung ano-ano pang panlaman sa tiyan kapag kumalam ito.
May kasama man tayong bata o wala, importante pa rin ang pagdadala ng makakain nang magutom man ay mayroon tayong maipanlalaman sa tiyan. Hindi rin kasi natin tiyak ang tagal ng magiging biyahe. Puwede ring ma-delay ang flight natin.
Kaya para maging handa at maiwasan ang kahit na anog problema o ang magutom sa biyahe, magdala ng makakain gaya ng biskwit at tubig.
MAGDALA NG MGA BAGAY NA MAKAPAGPAPAWALA NG BAGOT
Kapag malayo o natagalan ang biyahe, tiyak na inis na tayo at stress. Hindi lang naman pagka-delay ng flight ang isa sa problema natin kapag nagta-travel, kundi ang walang humpay na traf-fic. Minsan nga, bago ka pa lang dumating sa airport ay inabot ka na ng siyam-siyam.
Kaya para mawala ang inis, stress at pagkabagot, magdala ng mga bagay na makatutulong upang maaliw ka. Isa riyan ang pakikinig ng musika. Puwede kang mag-download ng music na gusto mo. O kaya naman, movies o palabas na kinahihiligan mo.
Puwede rin naman ang pagdadala ng libro nang may mabasa at maaliw ka habang bumibiyahe.
Kumbaga, kung ano iyong makapagpapa-relax at makapagpapawala ng inis mo at pagkabagot, iyon ang dalhin mo o ihanda.
Hindi nawawala ang stress lalo na kapag bumibiyahe. Gayunpaman, maiiwasan ito kung magi-ging handa tayo.
Good luck!
Comments are closed.