STRICT QUARANTINE SA AIRPORTS, SEAPORTS IPINATUPAD NG DA

DA-AIRPORT

NAGPATUPAD na ang Department of Agriculture (DA) ng istriktong quarantine measures sa lahat ng mga pantalan at paliparan sa bansa sa pamamagitan ng kanilang Crisis Management Team (CMT) kasunod ng nadiskubreng animal di­sease na ikinamatay kama­kailan ng mga alagang baboy.

Pagtitiyak ni Agriculture Secretary William Dar na patuloy na nakatutok ang kanilang mga tauhan at ginagawa ang lahat upang hindi kumalat ang naturang sakit at maprotektahan ang animal industry.

“We call on all hog raisers – commercial players and particularly those engaged in backyard ope­rations – to strictly observe and practice good livestock practices, including the needed bio-security mea­sures,” pahayag ni Dar.

Inatasan na rin aniya ang BAI na magpadala ng mga blood sample mula sa mga apektadong lugar upang maipadala sa foreign laboratories at makapagsagawa ng laboratory tests para matukoy ang dahilan ng pagkamatay ng mga alagang baboy.

“We will institutiona­lize the active participation of the private sector and LGUs and they will be part of the CMT from hereon to gain their full involvement and commitment, including other technical teams that will monitor and evaluate said recent events,” dagdag pa ni Dar.

Comments are closed.