STRIKERS LUMAPIT SA SEMIS

MPBL Bacoor

BACOOR CITY – Naglalaro sa harap ng kanilang home fans, nagpasiklab ang second seed Bacoor City at tinambakan ang se­venth seed GenSan-Burlington, 95-72, upang kunin ang 1-0 bentahe sa 2020 Chooks-to-Go MPBL Lakan quarterfinals noong Miyerkoles ng gabi sa Strike Gym dito.

Maagang nag-init ang Strikers at ipinoste ang 20-4 kalamangan, walo mula kay Datu Cup MVP Gab Banal, at hindi na lumingon pa kung saan ang kanilang bentahe ay hindi bumaba sa walong puntos.

Tinuldukan ni high-leaping Nick Demusis ang laro sa pamamagitan ng one-handed tomahawk dunk at ibinigay sa kanyang koponan ang pinakamalaking bentahe sa laro sa 23.

Nanguna si reigning MVP Gab Banal para sa Strikers na may 20 points, 11 assists, 3 rebounds, at 2 steals.

“Our last game against GenSan, their guards got going early. That’s why we neutralize the ability of their guards to attack us inside,” wika ni Bacoor coach Chris Gavina, inalalang muli ang hard-fought 87-75 win noong nakaraang ­Enero  20.

Nagdagdag si ­Michael Mabulac ng double-double na 15 markers at 12 rebounds habang tumipa si Oping Sumalinog ng 13 points, 5 boards, 3 dimes, at 3 steals.

Nag-ambag din sina guards Ian Melencio at RJ Ramirez ng tig-10 points.

Nagbida si Robby Celiz para sa GenSan na may 17 markers at 8 rebounds habang gumawa si Pamboy Raymundo ng 16 points at 9 boards. Nag-dagdag si Mikey Williams ng 15 markers sa 18 shots, 8 assists at 5 boards.

Sisikapin ng Strikers na umabante sa semis sa pagsagupa sa Warriors sa Lunes, February 24, sa Basilan City Gymnasium.

Iskor:

Bacoor City (95) – Banal 20, Mabulac 15, Sumalinog 13, Ramirez 10, Melencio 10, Montuano 7, Cañete 7, Pangilinan 6, Acidre 3, Demusis 2, Aquino 2, Andaya 0, Destacamento 0.

GenSan-Burlington (72) – Celiz 17, Raymundo 16, Williams 15, Cabanag 10, Masaglang 4, Orbeta 3, Mahaling 2, Goloran 2, Basco 2, Bautista 1, Landicho 0.

QS: 24-9, 45-26, 69-54, 95-72.

Comments are closed.