STRONG GROUP WALA PANG TALO SA JONES CUP

DINUROG ng Strong Group Athletics ang USA, 112-90, upang manatiling walang talo sa Jones Cup sa Taiwan nitong Huwebes.

Makaraang maghabol sa first half, 60-56, na-outscore ng Pilipinas ang Future Sports USA, 33-16, upang tapusin ang  third quarter na may double-digit lead, 89-76.

Abante ang Pilipinas sa 108-88, sa 1:12 mark ng  fourth period matapos ang basket ni  Chris McCollough at hindi na lumingon pa.

Nagbuhos si McCollough ng 24 points, habang umiskor sina Tajuan Agee at RJ Abarrientos ng 19 at 17 points, ayon sa pagkakasunod, at naiposte ng Strong Group ang ika-5 sunod na panalo.

Nanguna naman si Hammer Bowen Moss para sa USA na may 18 points, habang nagdagdag sina Eliott Marcus Ryan at Thomas Demetrius ng 15 at 14 points, ayon sa pagkakasunod, para sa Future Sports USA.

Susunod na makakasagupa ng Strong Group ang Japan U22 ngayong Biyernes, ala-1 ng hapon.