STS KRISTINE DEATH TOLL: 27 PINANGANGAMBAHANG NASAWI, NAWAWALA

MAHIGIT 27 katao ang pinangangambahang nasawi at nawawala bunsod ng pananalasa ng ng Severe Tropical Storm Kristine sa bansa. ayon sa mga inisyal na ulat na kinakailangan beripikahin pa ng Office of Civil Defense.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council kahapon base sa inilabas nilang Situational Report kahapon ng hapon nasa pito katao pa lamang ang napaulat na nasawi bukod sa apat na nasaktan habang pito rin ang inulat na nawawala.

Sa mga nakalap na ulat ng pulisya, nasa 21 ang bilang ng inulat na nasawi.

Mula sa PNP Region 9 sinasabing may isang nasawi sa pagkalunod habang 2 naman ang namatay sa Quezon Province.

May 20 naman ang reported dead sa Bicol Region na sakop ng PNP-Police Regional Office 5 bunsod ng pagkalunod at landslides sa kasagsagan ng pananalasa ng severe tropical depression Kristine.

Sa initial report (subject for validation ng OCD) sa Bicol Region na isinumite sa tanggapan ni Police Regional Office (PRO) 5 Chief Police Brigadier Ge­neral Andre Dizon, pito sa mga ito ay mula sa Naga City, lima sa Catanduanes kabilang dito ang isang pamilya na may tatlong na natabunan sa landslide. apat sa Albay at tig-isa sa Camarines Norte, Camarines Sur at Masbate.

Apat din ang naiulat na nawawala kung saan dalawa sa mga ito ay mula sa Masbate at tig-isa naman sa Camarines Sur at Albay.

Iniulat naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na umabot na sa 2,077, 643 indibidwal na katumbas ng 431,738 pamilya ang naapektuhan ng hagupit ni Kristine sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Sa inilabas na NDRRMC Bulletin, ang mga apektado ay mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Caraga, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM, at Cordillera Administrative Region.

Karamihan sa mga apektado ay mula  Bicol na umabot sa 1,669.507. Sinundan ito ng BARMM na may 351,913 indibidwal.

Sa nasabing bilang ng mga apektado, 163,184 indibidwal o 43,463 pamilya ang pansamantalang nanatili sa mga evacuation cen­ters habang nasa 32,877 katao o 8,003 pamilya ang nasa labas.

VERLIN RUIZ