LAGUNA – NASAGIP ng Pila PNP ang 16-anyos na batang babaeng estudyante mula sa kamay ng isang binata na isang Facebook hacker matapos magkasa ang mga ito ng entrapment operation sa isang hotel sa Brgy. Labuin, kamakalawa ng gabi.
Sinasabing doon mismo sa loob ng isang kuwarto, naaresto ni Pila PNP Chief of Police PCapt. Jean Alagos at kanyang mga tauhan ang suspek na si Tarik Ashraf Ali, layout artist, residente ng Greenland Subdivision, Brgy. Sta. Clara Norte, Pila.
Lumilitaw sa ulat na aktong naghuhubad na ng kanyang suot na shorts ang suspek ng maaktuhan ng pulisya habang nakatayo naman sa gilid ng kama ang biktimang itinago sa alias na “Baby”.
Sa imbestigasyon, nagkasa ng entrapment operation si Alagos at kanyang mga tauhan sa lugar dakong alas-6:30 ng gabi matapos magtungo ang biktima at magulang nito sa kanilang himpilan kaugnay ng ginawa umanong pananakot ng suspek sa kanya gamit ang hubad nitong larawan sa facebook.
Sinabi ng biktima na matapos ipadala sa kanya ng suspek ang hubad nitong larawan gamit ang FB account ng isang Arjay Alex Hagosojos na hinack nito noong nakalipas na Miyerkules ng madaling araw, tinakot at sapilitang sinabi umano nito na makipagkita sa kanya at tuluyang pinapunta nito sa naturang hotel para idelete at hindi na nito magawa pang ikalat sa social media bilang modus nito ng kanyang pananakot.
Sa tindi naman umano ng takot ng bata, pumayag ito na makipagkita sa kanya, samantalang lingid sa pagkaalam ng suspek na kausap ng mga ito ang pulisya. DICK GARAY
Comments are closed.