STUDE TINAMAAN NG LIGAW NA BALA HABANG NATUTULOG

ligaw na bala

ISABELA – TINUTUNTON na ng PNP Santiago ang nagpaputok ng baril na tumama sa leeg ng isang estudyante sa Barangay Centro East, Santiago City.

Kinilala ang biktima na si Julius Rumbaoa, 22, second year college, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa ina ng biktima na si Florida, natutulog sila alas-9 ng gabi nang bigla na lamang umano siyang ginising ng anak  na si Julius upang isangguni sa ina na makirot ang nararamdamang sa kanyang leeg, at nang buksan ang kanilang ilaw ay tumambad sa kanila ang duguang bahagi ng leeg ng biktima.

Sa pag-aakala ng mga kaanak na baka umano kagat ng ahas ang sanhi ng sugat na kaagad na dinala sa pagamutan at doon na nakumpirma na tama ng bala ng baril ang natamong sugat ng estudyante batay sa pagsusuri ng manggagamot.

Ipinaliwanag ng doktor sa ina ng biktima na kinakailangang maoperahan ang biktima para maalis ang balang nakabaon sa kaliwang leeg.

Kasalukyan ng isasagawa ng pulisya ang ballistic examination sa sandaling makuha na ang balang nakabaon sa leeg ng biktima, upang matukoy kung kaninong baril galing ang nabanggit na bala ng baril. IRENE GONZALES