STUDENT FASHION TIPS

HINDI lamang mga nag-oopisina ang nag-aasam na magsuot ng magaganda at maaayos na damit, maging ang mga estudyante. Kahit sino nga naman, mapababae man o lalaki, ay nagnanais na mamukod-tangi—sa tindig at maging sa pananamit.

Hindi naman masama ang maging fashio­nista o mapili sa susuoting damit. Importante rin na maayos at malinis ang damit. Importante ring babagay sa iyo ang iyong susuotin nang hindi ka naman maging katawa-tawa sa paningin ng marami.

May ilan din na akala niya, maganda siya kung pumorma pero wala siyang kaalam-alam na napupulaan na pala siya ng iba. Hindi naman kasi kailangang bongga o sob­ra ang outfit na susuotin. Kahit simple lang at bagay ito sa iyo, maaari ka nang mamukod-tangi. Kaun­ting accessories lang din ang idagdag mo, tiyak na gaganda pang lalo ang iyong kabuuan.

Kasabay ng pagbabalik-eskuwela ay ang pag-iisip ng mga susuotin lalo na sa mga paaralang walang uniform. Hindi lamang din may pera ang maaaring maging fashionista, dahil maraming outfit na swak sa budget ng marami basta’t ma­ging matiyaga lang sa paghahanap. At sa mga gustong maging fashionista sa eskuwela na hindi naman nasisita ng guro, narito ang ilang simpleng tips na puwede ninyong subukan sa pamimili o pagpili ng susuotin:

ALAMIN ANG STYLE NA GUSTO AT BABAGAY SA IYO

Unang-una mong kailangang alamin ay ang style na gusto mo at babagay sa iyo. Hindi lahat ng klase ng damit ay masasabi nating bagay sa atin. May ilan na kapag nakakikita ng magandang damit na suot ng isang kakilala o kaeskuwela, sinusubukan o bumibili rin sa pag-aakalang bagay rin sa kanya ang gayong klaseng damit.

Hindi lahat ng nakikita nating maganda ay maganda rin sa atin at babagay. Kaya naman, bago ka mamili ng mga susuotin mo sa eskuwelahan, alamin mo muna kung ano-anong klase ba ng damit ang susuotin mo at tanungin mo rin ang iyong sarili kung babagay ba ang gayong mga kalse ng outfit sa iyong kabuuan.

Kung bibili rin ng damit, siguraduhing pasok ito sa budget. Maraming damit ngayon ang kahit na mura lang ay magaganda naman at matitibay. Mainam din ang paghahanap o pag-aabang ng sale para maka-tipid.

BRANDED VS UNBRANDED

Sa pagbili ng damit, dapat nga bang branded o unbranded? Masasabi nga bang mas matibay ang branded kaysa sa unbranded?

Branded man o hindi ang susuoting damit, ang mahalaga ay bagay ito sa iyo at komportable kang suot-in. Mayroon din namang mga unbranded na maganda ang style at tabas. Pero kung mas pipiliin n’yo naman ang branded, maganda rin kung susuriing mabuti ang kalidad nito. May mga branded din kasi ngayon na pangalan lang ang binabayaran mo at hindi ang kalidad ng kanilang produkto.

I-CHECK MUNA ANG MGA DAMIT BAGO MAGPASIYANG MAMILI

FASHION TIPSBago ka rin magtu­ngo sa mall para mamili ng panibagong outfit na magagamit mo ngayong pasukan, i-check din muna ang mga damit na mayroon ka. Baka naman kasi may mga puwede ka pang magamit at hindi mo kailangang bumili ng bago.

Puwede ka ring mag-experiment sa mga damit na mayroon ka para ma­kabuo ka ng panibagong outfit. Puwede kang mag-layer. Kumbaga, may mga lumang outfit na maaari nating pagandahin sa pamamagitan lang ng simpleng paraan. Halimbawa, may lumang dress ka, puwede mo itong paresan ng accessories. At dahil malamig din ang paligid, maaari mo rin itong ternuhan ng scarf o kaya naman sombrero.

PUMILI NG OUTFIT NA BAGAY SA KAHIT NA ANONG OKASYON

Sa pamimili rin ng outfit, maganda rin kung ang pipiliin mo ay ang mga damit na bagay sa kahit na anong okasyon para hindi lamang limitado ang pagsusuotan mo nito. Dapat din ay madali itong ternuhan nang hindi ka mahirapan.

Isukat din muna natin ang outfit bago natin bilhin. Kailangang tiyak ka na gusto mo ang nasabing kasuotan bago ka magbayad. Siguraduhin din na bagay ito sa iyo at maisusuot mo ito ng matagal.

TIPS KUNG PAANO MAPAPANGALAGAAN ANG MGA GAMIT SA ESKUWELA

Kasabay ng pasukan ang tag-ulan. At isa rin sa dapat nating pangalagaan ay ang mga gamit natin sa eskuwela. Kaya naman, narito ang ilang tips kung paano mapa­ngangalagaan ang mga gamit gaya ng sapatos, bag at uniform:

SAPATOS

FASHION TIPSAraw-araw nga namang gumagamit ng sapatos ang bawat mag-aaral. May ilang estud­yante na maraming sapatos. Ngunit hindi rin naman maipagkakailang, ang iba ay iisa lang ang pares na mayroon. Para maiwasang masira ang sapatos kapag nababasa ng ulan, kailangang patuyuin kaagad ito. Sa pagpapatuyo ay gumamit ng papel para ma-absorb ang moisture at mapanatili ang natural na hugis ng sapatos. Iwasan din ang pagsusuot ng basang sapatos dahil maaari itong magkaamoy.

UNIFORM

Sa mga estudyante naman na mayroong uniform, kailangan ding ­ingatan ito lalo na ngayong tag-ulan. Maaari kasi itong madu­mihan at mamantsahan.

Para mapanatiling bago at maayos ang uniform, kaagad na labhan pagkatapos gamitin nang matanggal kaagad ang mantsa o duming kumapit. Dahan-dahan lamang din ang pagkukusot ng hindi ito maghim-ulmol o masira.

BAG

Hindi kompleto ang pagiging estudyante kung walang bag. Isa rin ang bag sa halos na nakadikit na sa maraming mag-aaral, gayundin sa mga nag-oopisina. Para naman maprotektahan ang bag sa masungit na panahon, kapag nabasa ay tanggalin kaagad ang laman nito sa loob at saka patuyuin. O mas magan-dang gawin, bumili ng mga bag cover para masigurong hindi mababasa ang bag sakaling biglang bumuhos ang ulan. At para rin maprotektahan ang mga gamit na nasa loob ng bag, mainam din kung ilalagay ito sa plastic.

Ang pagiging fashio­nista ay hindi lamang swak sa may kaya o pera. Kahit na sino, maa­aring maging fashionista. Maaaring maging maganda ang kabuuan. Maging madiskarte lang.

Bukod din sa pagi­ging fashionista, kailangan ding alam natin kung paano aalagaan ang ating gamit sa eskuwela nang mapakina-bangan natin ito ng mas matagal. (photos mulasa google) CT SARIGUMBA

Comments are closed.