SUPORTADO ng Healthy Philippine Alliance (HPA), isang grupo na naghahangad na maiwasan ang non-communicable diseases, kasama ang Social Watch Philippines at Child Rights Networkk ang National Nutrition Council na mag-develop ng Philippine Nutrient Profile Model na isinunod sa Pan American Health Organization Model na batay sa pamantayan ng World Health Organization (WHO).
Kasabay nito, nais din ng mga grupo o health alliance kasama ang Health Justice na maging masustansiya ang mga baong pagkain ng mga mag-aaral o student meal.
Paliwanag ni Beverly Samson, ng HealthJustice, karaniwan ay tsitserya o mga pagkaing ultra-processed food products ang baon ng mga estudyante kaya marami sa kabataan ngayon ay tinatamaan na ng non-communicable diseases at batay sa kanilang pag-aaral, sa edad 9 ay may kaso na diabetiko.
“Mayroong edad 20 na kailangan nang i-dialysis, na dati ay mga sakit na dumadapo lamang sa edad 50 pataas, “ ayon kay Samson.
Batay sa UNICEF, apat sa sampung Filipino adults ay overweight at obese at kung hindi tio mapigilan, maaaring madagdagan ng mahigit 30% nang magtaglay ng mataas na timbang at obese pagsapit ng 2030.
Sa datos pa rin ng health authorities, ang mga nangungunang killer na sakit ay cancer, heart disease at diabetes.
Sa ilalim ng PAHO model, magiging batayan ito para sa pagpapatupad ng food warning labels kung saan dapat itulad sa ibang bansa gaya sa Chile na ilagay ang warning sa label ng nabibiling snacks gaya ng sobrang sodium, sugar, calories at iba pa na lubhang mapanganib sa kalusugan.
Samantala, ang Philipine Nutrient Model ay inaasahan na ang approval kasunod ng isinagawang public consultation noong nakararang Mayo kung san ang HPA, SWP at CRN ay nagpahayag sa kanilang posisyon na mahigpit na ihanay ang kanilang nutrient profiling sa PAHO at WHO.
“The Alliance lauds the NNC for proposing to adopt a Philippine Nutrient Profile Model which includes the salient features of the PAHO Model that is considered global best practice. When this is successfully implemented in the country soon, we will be setting a standard in the ASEAN region for food regulation. We want to ensure that the government performs its duty to prioritize public health and uphold the right to health of Filipinos,” ayon kay Dr. Jaime Galvez Tan, convenor ng HPA at Board Member ng HealthJustice.
Pinuri naman ng SWP ang NNC sa pagpupursige ng NNC para mapatatag ang PNPM.
“We congratulate the NNC for working hard to take on a robust Philippine Nutrient Profile Model. We expect the NNC to stand its ground against any attempt by the industry to interfere, delay, oppose, weaken or water-down any of the features or principles of the Philippine Nutrient Profile Model that will render it less effective. We also call on civil society, the medical community, academe, patient groups and other health advocates to proactively monitor the passage of the Philippine Nutrient Profile Model which is crucial to help us in our battle to curb NCD prevalence in the country,” dagdag ni Dr. Ma. Victoria Raquiza, co-convenor ng SWP.
Idiniin ng HOA na ang PNPM ay isang major police tool upang mapigilana ng noncommunicable disease.
EUNICE CELARIO