HINIMOK ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Tonisito Umali ang mga mag-aaral at mga magulang na makilahok sa Brigada Eskuwela.
Ito ay upang matiyak na maayos at malinis ang lahat ng paaralan na dadatnan ng mga mag-aaral sa pagbubukas ng klase.
Idineklara ng DepEd na sa Hunyo 3 na ang pagbubukas ng klase sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa.
Inaasahang aabot sa mahigit 27 milyong mag-aaral sa elementarya at high school ang magbabalik-eskuwela sa pagbubukas ng school year 2019-2020.
Ayon kay Umali, maaari pang madagdagan ang nasabing bilang habang papalapit ang araw ng pasukan. ELMA MORALES
Comments are closed.