STUDES SA UMAK PINALABAS DAHIL SA BOMB THREAT

NAGLABASAN ang mga mag-aaral ng University of Makati (UMAK) matapos makatanggap ng bomb threat.

Dahil dito, agad namang nagtungo ang grupo ng EOD upang siyasatin ang buong compound at mga gusali sa naturang paaralan.

Agad din namang natukoy ng EOD na walang anumang presensya o uri ng bomba ang natagpuan sa buong unibersidad.

Maging ang ilang mga karatig na mga paaralan na katabi ng UMAK ay isa-isa rin pinauwi ang mga mag-aaral na mayroong sundo ng magulang matapos na matarantang malaman ang naturang bomb threat.

Wala namang nasaktang mga mag-aaral ng UMAK dahil sa naturang bomb threat.
CRISPIN RIZAL