NAKAPAGTATAKANG ang whole of Sunday ay off line sa block box ba or whatever it’s called, ng isang network.
Pa’no, noon pala magpi-premiere ang kanilang talent search show at kasabay ito ng airing ng Studio 7.
So far, ibinalik naman pero halos kalahatian na ng show but did it affect the viewership of Studio 7 na nagpunta pa sa Dagupan city para sa kanilang live telecast?
No! Kahit na ano pa ang gawin ng rival network, hindi nila magagawang kabugin lalo na’t ang kabayo lang naman, who’s fast becoming fat, (fast becoming fat raw, o! Hahahahaha!) at ang inggratang si Regina ang hosts.
Anyway, it appears that the people at the said network are fast gaining a lot of poundage.
Martin for one is having a hard time shedding off some unwanted poundage.
Anyway, hindi ko pa nakikita ang rating pero nakasisiguro akong hindi nila makakabog ang Studio 7.
For one, orig ang kanilang format at hindi tulad sa show nina Regina na pinaglumaan na nang panahon. Hahahahaha!
Si James Reid lang yata ang medyo slim sa mga hosts doon at mula kay Regina, down to the talking horse and up to the murmuring diva are all fast becoming hopelessly overweight.
Sige, maglalamon ka pa talking horse at tiyak na magdyo-join ka na rin sa obese club nina Regina and company. Regina and company raw, o! Hahahahahaha!
In stark contrast, Gabbi Garcia, Christian and Mark Bautista, Rayver Cruz, Kyline Alcantara, Migo Adecer, Mikee Quintos, Kate Valdez, Mavy & Cassy Legaspi, Donita Nose, Tekla, Golden Canedo and Julie Anne San Jose are all svelte. Bawal ang matronix ang itzu sa top rating show na ‘to ng GMA 7, noh? Hahahahaha!
Kaya kahit ano pa ang gawin n’yo, unkabogable na ang Sunday show na ‘to ng GMA.
‘Yun lang!
SPORTS PERSONALITY WALANG KEBER SA MGA KASAMA
KUNG sa talent ay may talent naman ang sports personality na ‘to.
Ilang dekada na rin naman siya sa kanyang trabaho pero unkabogable ang lola dahil mahirap nang mapantayan ang kanyang angking talent sa pagho-host ng kanyang specialty — ang sports.
Bilingual din siya kaya versatile ang lola mo.
If the report should be dished out in English, she is veritable fluent at it. Kung Filipino naman ay walang problema dahil eloquent din siya sa ating lenggwahe.
May isang kapintasan nga lang siya. Hindi siya marunong mag-alok sa kanyang mga kasamahan kapag oras na ng kainan.
Kapag kumakain na siya sa isang sulok, ni pabalat bunga ay hindi siya marunong mag-alok. Lafang to the max siya without offering anything to the camera men or to anyone in particular.
Ang dahilan niya ay pare-pareho naman daw silang may food allowance so why should she bother to share her food with them?
Siyempre naman, no comparison ang kanyang food allowance as compared to the small people of the network. Ano ba naman ‘yung mag-offer siya ng konti sa mga small people in the industry. After all, earning capacity-wise, they are no match to hers.
Pero wala nga sa kanyang bukabularyo ang mag-share. Kuring siya sa dilang kuring kaya pumanget siya at nangulubot nang wala sa panahon. Hahahahaha!
‘Yun nah!
BARBIE IMPERIAL TINATAWANAN LANG ANG KANYANG DETRACTORS
TINAWANAN lang ni Barbie Imperial ang netizens na binabatikos ang kanyang pangangatawan, partikular na ang kanyang boobs.
Nilait ng mga netizens ang ibinahaging sexy swimsuit photos ni Barbie Imperial sa kanyang Instagram at Twitter accounts last Thursday after-noon, April 18.
Marami ang naghayag ng paghanga sa kanyang sexy photos pero may ilan ding netizens ang nag-iwan ng malicious comments.
Tulad ng hindi raw pantay ang kanyang boobs.
Barbie appeared to be unfazed by her detractors.
Instead, she tweeted about this in his Instagram account: “Bakit pati ‘di pantay na dede sobrang big deal…”
Kalakip nito ang cold sweat at laughing-with-tears emojis.
As expected, ipinagtanggol din si Barbie ng kanyang considerable Instagram followers from her mindless critics.
Follow me at my Twitter Account Pete Ampoloquio, Jr. Ito ‘yung kasama ko sa aking profile pic si Alden Richards.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.