NOONG Linggo (Mayo 12), inihandog ng musical variety show ng GMA Network na “Studio 7 Musikalye” ang isang espesyal na pagtatanghal sa pagdiriwang ng Mother’s Day kasama ang powerhouse cast ng programa sa CSI Dagupan, Pangasinan.
Isang gabi na puno ng “kantahan, rakrakan at sayawan” ang inihatid ng buong barkada upang ipagdiwang ang araw ng mga ina.
Grabe ang all-female at fierce performances mula kina Julie Anne San Jose, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Mikee Quintos, Kyline Alcantara, Kate Valdez, Golden Cañedo, Hannah Prescillas, Kyryll Ugdiman at Aicelle Santos.
Nagkaroon din ng nakaaantig na production number ang “The Clash” alumni na sina Miriam Manalo at Mommy Esterlina Olmedo. Nakisaya rin ang celebrity supermoms na sina Sunshine Dizon at Camille Prats.
Samantala, ang magkapatid na sina Rayver at Rodjun Cruz ay nagbahagi ng isang emosyonal na performance alay sa kanilang namayapang ina.
Tampok din sa selebrasyon ang reunion ng cast ng top-rating GMA primetime series na Onanay na sina Jo berry, Mikee at Kate.
VINDICATED SI GRETCHEN FULLIDO
VINDICATED si Gretchen Fullido dahil binaligtad ng chief prosecutor ng Quezon City Prosecutor’s Office ang naunang desisyong balewalain ang libel complaint na isinampa ni Gretchen Fullido laban sa ilang kasamahan sa ABS-CBN News and Current Affairs na sina Ces Drilon at Marie Lozano.
Ito ay matapos maghain ng Motion for Reconsideration ang kampo ni Gretchen.
Sa resolusyong pinirmahan ni Quezon City Chief Prosecutor Vilma Barcellano, kinatigan niya ang reklamo ni Gretchen laban sa broadcast journalist na si Cecilia “Ces” Oreña Drilon, showbiz news reporter na si Marie Lozano, at news executive na si Venancio Borromeo.
Dahil may probable cause ang reklamo ni Gretchen, inirekomenda ng chief prosecutor nang Quezon City ang paglabas ng war-rants of arrest laban sa tatlong akusado kasabay nang pagsasampa ng libel case sa korte.Matatandaang October 5, 2018, nagsampa ng libel complaint si Gretchen laban kina Ces, Marie, at Venancio.
This is in connection with the separate sexual harassment complaint that the TV Patrol entertainment reporter filed against ABS-CBN News executive Cheryl Favila and ABS-CBN News segment producer Maricar Asprec.
January 2019 ang resolution ng Quezon City Prosecutor’s Office, the case against Ces, Marie and Venancio was dissmissed by the Quezon City Assistant City Prosecutor Arceli C. Ragsac.
Hindi siyempre ito ikinatuwa ng kampo ni Gretchen.
They filed a motion for reconsideration at the QC Prosecutor’s Office dated April 4, 2019.
Sang-ayon sa legal counsel ni Gretchen na si Atty. Eldrige Marvin Aceron, hindi pinal ang naunang pagbasura ng inihain nilang reklamo.
At any rate, at the new resolusyon of the Prosecutor’s Office dated April 29, 2019, Quezon Chief City Prosecutor Vimar Bar-cellano said that Ces, Marie, and Venancio “all acted in bad faith when they issued libelous statements against Fullido.”
Follow me at my Twitter Account Pete Ampoloquio, Jr. Ito ‘yung profile pic namin si Alden Richards.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.