STUDY NOW, PAY LATER, P300K LOANS ALOK SA STUDES

Cecilia Borromeo

MAG-AALOK ang state-run lender Land Bank of the Philippines ng hanggang P300,000 na loans sa mga magulang at guardians ng mga estudyante sa ilalim ng ‘study now, paylater’ program nito sa school year 2021-2022

Ayon kay Landbank president and CEO Cecilia Borromeo, ang  direct loan program ay inilunsad para sa tuition ng mga estu­dyante upang tulungan ang mga magulang at guardian na maaaring iniinda pa ang epekto ng COVID-19 health crisis.

Ang Land Bank ay naglaan ng P1.5 billion na credit support sa ilalim ng I-STUDY o Interim Students’ Loan for Tuitions towards Upliftment of Education for the Development of the Youth lending program nito para sa tuition at iba pang enrollment-related fees ng mga estudyante.

“The I-STUDY Program is open to parents and guardians of incoming students who are qualified under the admission and retention requirements of an academic institution recognized or accredited by the Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), or the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).”

Ang mga magulang at  guardians ay ­maaaring makautang ng halaga ng tuition na katumbas ng isang school year o dalawang semesters, o hanggang P150,000 per student, subalit hindi hihigit sa P300,000 per eligible borrower.

“Landbank supports President Duterte’s call to finance students’ access to quality education amid the economic challenges brought about by the pandemic. Through the I-STUDY Lending Program, we hope to help students finish their studies despite the difficulties they are facing,” sabi ni Borromeo.

Ang I-STUDY lending program ay nag-aalok ng mababang fixed interest rate na 5% per annum para sa short term loans para sa  pre-school, primary, at secondary students na maaaring bayaran sa loob ng isang taon, gayundin sa term loans para sa tertiary students na puwedeng bayaran ng hanggang tatlong taon, kasama ang isang taong grace period sa principal.

Comments are closed.