STUDY PERMITS NG BI PASOK NA SA ONLINE

INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) ang bagong lunsad nitong online special study permit (SSP) application.

Ang hakbang, ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco ay bahagi ng mas malawak na modernisasyon kaakibat ang vission ng ‘Bagong Immigration tungo sa Bagong Pilipinas.”

Ang SSP ay isang permit sa mga dayuhang estudyante na makakatugon sa iba’t-ibang criteria.

Ang mga criteria ay kinakailangan na 18-anyos ang edad, pataas, nakapag-enroll sa isang non-degree course, enrolled at admitted sa isang short course ng higit sa issng taon o trainee o intern sa isang degree course.

Kabilang din ang mga naka-enroll sa isang aviation o flying schools ay mapapabilang din sa SSP.

Ang permit ay maaaring aplayan sa eservices.immigration.gov.ph.

“The launch of the online SSP application is a significant step in our ongoing efforts to modernize the Bureau. This is part of our commitment to making transactions easier and more convenient for the public. By moving applications online, we also aim to minimize opportunities for corruption, ensuring a more transparent and efficient process.” ayon kay Tansingco.

Nakatakda rin ilunsad ng BI ang onlineapplication para sa student visas at iba pang serbisyo.

Para sa iba pang impormasyon bisitahin ang e-services.immigration.gov.ph.
PAUL ROLDAN