STUNTMAN NINA DA KING, LEON GUERRERO AT BOYONG PUMANAW NA

stuntman

QUEZON CITY – NATAPOS na ang pakikipaglaban kay kamata­yan ng isang batikang stuntman makaraang bawian ito ng buhay sa pagamutan kahapon ng umaga.

Si Roberto Miller o mas kilalang sa pa­ngalang Robert Miller ay binawian ng buhay sa edad na 73 taong gulang, ng 27 Agoncillo St. Dona Rosario Subdivision, Brgy. Novaliches Proper  habang nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center, East Avenue.

Si Miller ay naratay sa nasabing pagamutan simula noong nakaraang taon, Disyembre 30, 2019 hanggang sa bawian ng buhay kahapon, alas-10 ng umaga.

Nabatid na ang ikinamatay ni Miller ay sakit na pneumonia at cardiac arrest ayon umano sa doctor na tumi­tingin sa kanya.

Matatandaan na si Miller ay laging napapanood sa mga aksiyong pelikula at laging kasama ni Senator Lito Lapid, D King Fernando Poe Jr. at Eddie Garcia at iba pang kilalang action star.

Naulila ni Miller ang kanyang asawang si Leonor Sevilla at ang mga anak na sina Donita Rose, Mike Niel at ang bunsong anak na si Be­tina Rose.

Ang kanyang labi ay ilalagak sa Novaliches Funeral Homes sa Quirino Highway, Novali­ches, Quezon City. EVELYN GARCIA

Comments are closed.