STYLE TIPS DURING THE MONSOON

MONSOON

(ni CS SALUD)

AYAW na nga namang paawat ng ulan sa pagpatak. Kapag tag-ulan, hindi lamang basang paligid ang pinoproblema natin kundi kung ano ang swak suotin. Nanghihina­yang nga naman tayong magsuot ng magagandang damit at sapatos dahil mababasa lang ito at madudumihan.

Pero hindi naman kailangang ang masamang panahon ang magdikta sa kung ano ang susuotin natin.

Importante pa ring maging presentable, trendy at komportable tayo sa kabila ng patuloy na pagluha ng la­ngit.

At dahil problema ng marami kung paano aawra kapag tag-ulan, narito ang ilang style tips na swak subukan:

MAGSUOT NG LIGHT FABRICS

Isa sa mainam suotin kapag tag-ulan ay ang mga klase ng damit na light at airy. Mada­ling matuyo ang ganitong outfit kaya’t swak na swak ito sa mga ganitong panahon.

Iwasan naman ang mga tela o klase ng outfit na makakapal o matagal matuyo nang hindi tayo magkasakit.

Kapag makapal kasi ang damit natin at matagal matuyo, sakaling mabasa ay mabababad din ang katawan ng matagal sa basa. Dahil dito, maaaring magkasakit. Uso pa naman ang sakit kapag tag-ulan.

JELLY SHOES AT BOOTS

Hindi rin nawawala kapag tag-ulan ang jelly shoes, jelly flats at boots. Bukod sa matibay ang jelly flats at hindi ito masisira kahit na mabasa, napakarami ring styles at kulay ang puwedeng pagpilian.

Kung ayaw mo namang nababasa ang iyong paa, swak naman ang boots. Napakara­ming style ng boots ngayon na makapag-daragdag ng ganda sa iyong kabuuan.

WATERPROOF SOCKS

Hindi lamang din waterproof makeup, waterproof shoes at waterproof bag ang kailangan nating gamitin kapag tag-ulan kundi maging ang waterproof socks.

Mas mainam kung bibili ng waterproof socks nang mapanatiling dry ang paa kahit na basa ang paligid. At kung dry rin ang paa sa kabila ng maulang paligid, maiiwasan nito ang bacterial infection na nagkalat sa paligid. Mas makapal sa normal ang waterproof socks. Mayroon din itong anti-microbial properties.

COLORFUL SCARF

Isa rin ang scarf sa hindi dapat mawala ngayong tag-ulan. Dulot nga naman ng scarf ay init ng katawan. Hindi lamang din sa leeg puwedeng ilagay ang scarf kundi maaari rin itong ma­gamit bilang proteksiyon sa ulo, buhok at katawan.

Mainam ding piliin ang mga colorful scarf nang makadagdag ito ng kulay sa look. O kaya naman, mga scarf na may cool prints at interesting patterns.

STATEMENT UMBRELLA

Ano pa nga ba ang hindi puwedeng mawala kapag tag-ulan, kundi ang payong. Napakaimportante sa ganitong panahon ang pagdadala ng payong.

Oo para sa ilan ay pampabigat lang ito lalo na kung sa pag-alis ng bahay, hindi naman pumapatak ang ulan.

Pero siyempre, dahil tag-ulan, kailangang magdala tayo ng payong sa tuwing lalabas ng bahay.

At para naman hindi maging boring ang payong, pumili ng payong na fun at bright ang kulay nang maka­dagdag ito ng ganda sa kabuuan. Swak din ang mga payong na may iba’t ibang design. Puwede rin ang mga pastel color.

Napakahalagang napipili nating mabuti ang susuotin natin kapag tag-ulan.

At sa pagpili rin ng outfit, hindi lang ganda ang isaalang-alang kundi ang pagiging kompor­table ng isang outfit. (photos mula sa glamour.com, pinterest.com at minisiren.com)

Comments are closed.