(ni CT SARIGUMBA)
ILANG araw na lang ay panibagong taon na naman ang ating kahaharapin. At kasabay ng pagbabago ng taon ay ang pagbabago rin ng fashion o style. Kumbaga, may mga outfit na mauuso, mayroon namang mananatili na swak sa pan-lasa ng bawat isa. Samantalang may mga outfit din naman na puwede nang itago sa baul o cab-inet.
Maraming kababaihan gayundin mga kalalakihan ang nag-aabang ng swak na outfit sa pagpasok ng Bagong Taon. Kum-baga, excited na sila sa kung anong klase ng damit o outfit ang mauuso nang ma-check ang kani-kanilang closet at makapamili.
Mayroong ilan na talaga namang gumagawa ng paraan nang makasabay sa mga pagbabago, lalong-lalo na nga pag-dating sa damit at style.
Hindi naman lahat ng damit na mayroon tayo ay masasabi nating itatago na natin o ipamimigay.
Marami pa rin namang outfit na nananatiling patok.
Kumbaga, dumaan man ang maraming taon ay kinahihiligan pa rin ng marami at hindi nawawala sa uso.
Kung tutuusin, hindi rin naman kailangang sumabay sa uso lalo na pagdating sa outfit. May mga outfit din kasing nau-uso na bagay sa ilan samantalang ay hindi bumabagay.
Ngayong 2020, narito ang ilang fashion tips o outfit na kawiwilihan ng marami:
ANIMAL PRINTS AT MIXED PRINTS
Isa sa magiging patok ngayong darating na taong 2020 ay ang animal at mixed prints.
Nitong 2019 ay nauso rin ang naturang outfit at mananatili ito hanggang 2020. Maganda nga naman kasi ito at bagay sa kahit na sino.
May iba’t ibang style na puwedeng pagpilian.
May iba’t iba ring kulay na swak sa panlasa ng kahit na sino.
Saan ka rin naman magtungo ay makabibili ka ng animal prints at mixed prints na outfit.
LEATHER
Lahat naman tayo—babae man o lalaki—ay mayroong leather. Isa nga naman ito sa kailanman ay hindi nawawala sa uso. Mu-la nga naman sa skirts, dresses, leggings, bags, shoes at belts.
Hindi ka nga naman magkakamali sa naturang klase ng outfit dahil bagay ito sa kahit na anong okasyon at pagkakataon.
Kaya’t ngayong 2020, isa pa rin ang leather sa swak o patok sa marami sa atin.
PLEATED PANTS AT FLARES
May mga klase ng damit na nauso na noon at ngayon ay nagbabalik. Halimbawa na nga lang ang pleated pants na pu-matok noong 80’s.
Sa taong 2020, mas modernize ang lalabas na pleated pants para na rin sa makabagong pagtingin o pananaw.
Sa mga kalalakihan naman, magbabalik naman ang flares na nauso noong ‘70s.
DENIM
Isa pa sa kailanman ay hindi nawawala sa uso ay ang denim.
Swak din kasi ito sa kahit na anong panahon at pagkakataon. Komportable at madali lang din itong suotin kaya’t pinipili ito ng marami sa atin.
Mas lalo pang papatok ang denim sa taong 2020. Marami ring klase ng denim ang maaaring pagpilian mula sa pants, denim dress, skirts at jackets.
BELTED BAGS AT CROSS-BODY BAGS
Taong 2019 pa lang ay mapapansin na natin ang belt bags. Marami na ang gumagamit nito at talaga namang pandagdag ito sa ganda ng outfit ng isang tao.
Sa darating na taong 2020, swak na swak pa rin sa panlasa ng marami ang belt bags.
Sa mga kalalakihan, uso naman ang cross-body bags. Hind lamang ito pang style kundi masisiguro mo pang safe ang iyong mga gamit. Marami ring klase ng cross-body bag na maaaring pagpilian ng bawat kalalakihan. Mayroon din itong iba’t ibang kulay, design at laki na swak sa taste ng kahit na sino.
OVER THE KNEE SHORTS
Isa pa sa tiyak na mananatiling patok ang over the knee shorts para sa mga kalalakihan. Marami nga naman ang nahihil-ig sa ganitong kaseng outfit. Komportable nga naman itong suotin.
Napakarami ring puwedeng iterno sa over the knee shorts gaya ng simpleng t-shirt o kaya naman polo. Swak din dito ang sandals.
Maraming klase ng damit ang nauso man noon ay uso pa rin hanggang sa ngayon kagaya na nga lang ng mga nabanggit namin sa itaas.
Hindi nga naman masama ang sumabay sa uso. Mahirap din naman kasing mapag-iwanan ng panahon.
Pero hindi rin naman porke’t uso ang isang outfit ay bibilhin o susuotin na natin ito. Depende pa rin iyan kung babagay ba ito sa ating kabuuan.
Tandaan din natin, na hindi porke’t maganda ang isang outfit sa iba ay magiging maganda rin ito sa atin. May ilang outfit kasing bagay sa iba pero hindi naman bagay sa atin.
Kaya’t sa pagpili ng damit o outfit, isaalang-alang ang pagiging komportable nito at kung babagay ba sa iyong kabuuan. Maging maingat din sa pipiliing outfit nang mamukod-tangi ang kabuuan. (photos mula sa google)