NAUNA pa sa konsultasyon sa publiko tungkol sa bagong regulasyon na sumasakop sa pagpasok ng pangatlong telco, minarkahan agad ng isang infrastructure-oriented think-tank ang bagong isyung guidelines na “prejudicial to public interest and reeks of regulatory capture.”
“The auction mode for the entry of the third telco player smacks of a patent policy confusion on what the entry of the third telco is all about. The auction as proposed is not a bidding for the highest amount of investment commitment but a bidding for the highest amount of spectrum user fees to be paid to the government. We are utterly confused on what government really wants: to improve the level of telco services or to simply raise funds?”
Ito ang pahayag ni Terry Ridon, tagapagtipon ng Infrawatch PH, at dating miyembro ng congressional committees on legislatives franchises and information communications technology.
Sinabi ni Ridon na ang subasta base sa spectrum user fees ay hindi nakatutugon sa problem ang Department of Finance ‘para masiguro na ang kanilang pagpasok ay magreresulta sa pagbibigay ng mas maayos na serbisyo sa mga consumer sa pinakamababang halaga.
“We probably should ask the President: can we actually break the telco duopoly by raising funds through spectrum user fees, or by getting the best and highest investment commitment from competing bidders?”
Sinabi ni Ridon na kung ipipilit ang subasta para sa spectrum user fees ay hindi makapagbibigay ng bentahe sa interes ng publiko para sa mababang halaga at maayos na serbisyo.
“We are conveniently forgetting that the highest bidder for the spectrum user fees will ultimately charge this premium to the public, resulting only in either higher service costs or poor quality services,” ani Ridon.
Sinuportahan din ni Ridon ang saloobin ni DICT secretary Eliseo Rio Jr., na ang pagpayag sa pagpasok ng ikatlong telco sa pagsusubasta ay “patently anti-competitive.”
Dati nang sinabi ni Rio na ang pagsusubasta ay anti-competitive dahil ang mga kasalukuyang telco ay hindi bumili ng kanilang frequencies sa gobyerno. Sinabi rin ng DICT secretary na maglalagay ito ng malaking dalahin sa bagong player sa pagpilit na ito ay maglagay ng malaking halaga na wala namang kinalaman sa pagtatayo ng imprastuktura at pagpapabago ng telecommunications services.
Comments are closed.