BULACAN-HINDI gumamit ng puwersa ang pulisya sa pagkuha ng mga subversive publications mula sa miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) sa Pandi.
Paglilinaw rin sa alegasyong kaya ito isinuko ay sa pangambang magamit ito sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa nilagdaang written document ni Lea Maralit, presidente ng KADAMAY, Pandi, Bulacan, nakasaad dito na boluntaryo niyang isinuko ang subversive publications na Pinoy Weekly sa Pandi Police at taliwas sa mga naglabasang report na gumamit ng puwersa ang pulisya nang salakayin ang tanggapan ng KADAMAY sa nasabing munisipalidad.
Nabatid na bandang alas-12:06 ng tanghali noong Linggo nang isurender ni Maralit kay P/Capt. Jun Alejandrino, Officer-In-Charge ng Pandi Municipal Police Station (MPS) ang subversive publications at ito ay kapwa nila nilagdaan sa written documents at ito ay sinaksihan ng anim na miyembro ng KADAMAY.
Ang wilful turn-over ng mga dokumento ng mga miyembro ng KADAMAY ay manifestation ng kanilang suporta sa gobyerno. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.