SUBIC BAY SAND COURT HANDA NA SA WORLD BEACH VOLLEY TOURNEY

Beach Volleyball

ISINAGAWA na ang finishing touches sa Subic Bay Sand Court, dalawang araw bago ang pagsisimula ng Volleyball World Beach Pro Tour Futures nitong Martes sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa Zambales.

Sinuring mabuti ni International Volleyball Federation technical delegate Barry “Baz” Wedmaier ng Australia ang mga paghahanda para sa event—partikular ang specifications sa kumpetisyon, training at administrative venues—na magsisimula sa Huwebes (December 8).

“TD Baz is very specific about the venue that it adheres to FIVB standards,” wika ni Ramon “Tats” Suzara, presidente ng organizing Philippine National Volleyball Federation (PNVF). “And it’s all systems go.”

Si Wedmaier ay sinamahan sa final inspection nina tournament director Mayi Molit-Prochina, competition director Adrian Tabanag, venue manager Cherry Rose Macatangay, venue director Engineer Joseph Remollena at administrative director Antonio Carlos.

Ang iskedyul para sa qualifiers sa Huwebes ay madedetermina matapos ang preliminary inquiry sa Miyerkoles (December 7).

Apat na koponan mula sa parehong genders ay aabante sa main draw na magsisimula sa Biyernes at magtatapos sa finals sa Linggo (December 11).

Labing-isang koponan mula sa Thailand, Czech Republic, Australia, Japan, USA, Israel at Austria ang sasalang sa men’s qualifiers kung saan ang top four teams ay sasamahan ang 11 squads mula sa host Philippines (3), Latvia, Thailand, Gambia, Japan, Israel at Lithuania sa main draw.

Ang women qualifiers ay may 14 teams—Japan, Norway, Singapore, Czech Republic, Netherlands, USA, Canada, South Korea at France—kung saan ang top four ay sasamahan ang 12 koponan mula sa Philippines (3), Japan, Thailand, Lithuania, Singapore, Israel, Italy at Austria.