Ang Subli ay sayaw ng ritwal at pamamanata o taimtim na sumpa sa Banal na Krus bilang pasasalamat sa mga biyaya o kaya naman ay paghingi ng biyaya, o para ipag-adya ang lahat laban sa masasamang Espiritu.
Nagmula ito sa Alitagtag at Bauan, ngunit kalaunan ay naging sayaw na sa buong probinsya ng Batangas dahil sa masaya nitong indayog.
Kilala ang mga Batangueno sa pagiging belyaka (masayahin) mababae man o lalaki, at sa sayaw na ito ay naipakikita nila ang kanilang natural na katauhan, ngunit hindi naman nawawala ang kahinhinan ng kababaihan. – SHANIA KATRINA MARTIN