SUBPOENA NI QUIBOLOY PINIRMAHAN NA NI ZUBIRI

NILAGDAAN  ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang subpoena ni Kingdom of Jesus Christ pastor Apollo Quiboloy nitong Lunes ng umaga na nag-uutos sa kanya na humarap sa Senado tungkol sa umano’y sekswal na pang-aabuso at human trafficking.

Hindi pa dumadalo si Quiboloy sa alinmang pagdinig sa mataas na kapulungan.

Nagpahayag ng pasasalamat si Senator Risa Hontiveros kay Zubiri sa hakbang nito sa pagpirma sa subpoena.

“Hindi din po tayo papayag na sabihin sa mga victim-survivor na ‘Teka muna, meron tayong krisis pampulitika. Wait lang tayo kasi tatapusin pa ang mga ibang issues’,” ani Hontiveros. LIZA SORIANO