NASA balag ng alanganin ang may-ari ng booth expo sa Pasay City na nagbebenta ng counterfeit product ng sasakyan makaraang maghain ng subpoena ang mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI).
Pinangunahan ni Agent Rodolfo Ignacio, executive officer ng Intellectual Property Rights Division ng NBI, ang paghahain ng subpoena laban sa may-ari ng mga counterfeit product na ginaya sa Sankei 555 product na gumagawa ng manibela at suspensyon brand mula sa Japan.
Ang Sankei 555 ay kilalang brand na gawa sa Japan ay ginagaya kaya isinailalim sa pagsusuri ng NBI para alisin ang mga pekeng produkto.
Ang mga pekeng produkto na may mababang kalidad na gawa sa China ay panganib sa mga motorista sa bansa.
Kaugnay nito, si Atty. Noven Joseph P. Quioc, abogado ng Sankei 555, ang katuwang ng NBI na naghain ng subpoena upang bigyang-diin ang patakaran ng kumpanya laban sa pekeng produkto.
Hinikayat ng NBI ang publiko na ipagbigay alam sa kanilang tanggapan laban sa mga nagbebenta ng mga pekeng produkto mula sa China. CRISPIN RIZAL