TAHASANG sinabi ni Senadora Grace Poe na mahalaga ang mga subsidiyang ipagkakaloob ng pamahalaan para maibsan ang epekto ng tax reform package partikular sa mahihirap.
Pormal na nagpadala ng liham si Poe kina Finance Secretary Carlos Dominguez III, Transportation Secretary Arthur Tugade, Labor Secretary Silvestre Bello III, Social Welfare Secretary Virginia Orogo at Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Martin Delgra III upang hilingin na kumilos ang mga ito para sa agarang pagpapalabas ng kinakailangang subsidiya.
“The social welfare and benefits program is an indispensable part of the implementation of TRAIN. Without this program, I fear that TRAIN would result in more harm than good,” ani Poe, chairman ng Senate committee on public services.
Nauna nang nagsagawa ng mga pagdinig ang senadora kaugnay sa epekto ng TRAIN Law kung saan iginiit nito ang pagpapalabas ng guidelines ng pamahalaan para sa implementasyon ng fuel vouchers, dagdag na 10-percent fare discount at iba pang subsidiya sa mga minimum wage earner, walang trabaho at sa may 50 porsiyentong mahihirap na populasyon na hindi kayang pasanin ang epekto ng tax reform law.
Nakapaloob sa liham na ipinadala ni Poe sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno ang sentimiyento ng publiko gaya ng mga minimum wage earner na nahihirapan sa patuloy na pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo, pangunahing bilihin at serbisyo.
“As swift as we had passed the TRAIN Law, it is only right that we implement the mitigating measures which we have designed for the poorest of the poor,” giit ng senadora. VICKY CERVALES
Comments are closed.