Jayzl Villafania Nebre
KAHIT saang bahay, lagi na lamang may bagay na sira. Sira ang gripo, sira ag kalan, may tulo ang bubong, sira ang fuse – siguro, pati may-ari ng bahay sira na rin. Kaya naman madalas mangyari, dial-a-friend ang peg para sa nga small projects na kailangang makumpleto.
Kung sinwerte kang maraming alam – yung maraming natutuhan sa home economics noong elementary at high school, aba, bongga ka. Pwede kang magtayo ng negosyo kahit walang puhunan kundi ganda lang. Mas maganda kung meron kang website para agkaroon ng competitive analysis para madetermina ang oras ng serbisyo mo at expertise mo, at kung magkano ang sisingilin mo sa bawat trabaho.
Kung mahusay ka sa fixtures, naku, kahit pilay na silya, ipagagawa sa’yo. Kung mahusay ka naman sa electricity, wow, siguradong araw-araw, may kliyente ka.
Of course, may lean days din. Yung waang magpapagawa dahil marahil, bumabagyo o kaya naman, may okasyon at hindi pwedeng magpagawa. Hindi naman lahat ng araw, may nasisira. That case, dapat, malawak ang communication skills mo. Yung irerekomenda ka ng mga magiging kliyete mo dahil bukod sa mahusay ka, friendly pa at mapagkakatiwalaan.
Sa pagiging handyman, hindi mo kailangan ng certification. Minor fixing lang naman ang gagawin mo kung sakali.
Dapat, jack-of-all-trades ka — doing a little of this and that here and there. Yung marunong kang mag-ayos ng sirang tubo, ng pumutok na fuse, ng nasirang electric fan at plantsa, o kung anumang ipagagawa nila.
Pinakamadalas talaga, yung plumbing, lalo na sa garbage disposal replacement, at sa mga baradong CR at lababo.
Kayang kaya yan ng handyman. Gayunman, yung malalaking trabaho, ibigay na natin ‘yon sa mga professional. Ang sa handyman ay yung drywall para sa insulation at fire resistance sa dingding at kisame. Pag hindi naayos ang mga sira, malamang na maging sanhi ito ng mas malaking damage sa bahay. Halibawa, ang mga crack sa dingding, rumupok na barabdilya ng hagdan, moisture damage, mga sinira ng daga, drywall anchor holes, drywall hanging at mga natutuklap na pintura.
Pwede rin namang repair sa mga nasirang gutters, o pag-aalis ng mga bara sa daluyan g tubig patungong kanal. Dirty job kung tutuusin, pero malinis na pera. Kumita ka ng hindi nanlamang sa kapwa at hindi gumawa ng masama.
Hindi gaanong malaki ang kita ng handyman, pero sapat ito para mabuhay ng maayos ang iyong pamilya. Actually, depende ang presyuhan kung saan kayo nakatira. Ang maganda lang dito, per job ang usapan sa pagbabayad at hindi per day. In other words, kung matapos mo ng mas maaga, pwede ka pang pumunta sa isa pang kliyente, kaya doble ang kikitain ninyo. jvn