SUC CAMPUSES PINAGAGAMIT SA EVACUATION NG ‘TAAL VICTIMS’

EVACUATION CENTERS

UPANG makatulong sa pagkupkop at paglalagay sa ligtas na lugar ng mga pamilyang apektado sa pagputok ng Bulkang Taal, hinimok ni House Committtee on Public Accounts Chairman at Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor ang mga namumuno ng ilang State Universities and Colleges (SUCs) na pumayag na magamit bilang evacuation area ang kanilang nasasakupang lugar o campus.

Sakaling magamit bilang evacuation site ang i­lang SUC campuses, partikular ang mga nasa Batangas, Cavite at Laguna, sinabi ng Anakalusugan party­list solon na maaari nang ilipat ang ilang mga pamilya na kasalukuyang pinatutuloy sa iba’t ibang public elementary at high school buildings doon.

Ani Defensor, kapag nangyari ito, ay maaari nang maipagpatuloy ang klase ng mga estudyante sa public schools na sa ngayon ay itinalagang evacuation center ang kanilang silid-aralan.

“Our sense is, state universities might be in better position to accommodate provisional shelters, simply because they have more land, structures and facilities available across multiple locations compared to public elementary and high schools,” giit niya.

“This way, we can normalize classes in affected public elementary and high schools, without disrupting those in state universities that might find ways to help,” dugtong pa ng kongresista.

Sinabi ni Defensor na mayroong kapangyarihan ang bawat SUC administration na makapagpasya kung sasang-ayon ito sa kanyang panawagan, na hindi na kinakailangang maghintay pa ng direktiba hinggil dito mula sa Office of the President o maging sa Commission on Higher Education (CHED).

“State universities can decide on their own to allow the use of their open spaces as transient evacuation centers – if necessary and where feasible – while government is finding ways to establish more suitable settlements for dislocated residents,” ayon pa sa ranking house official. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.