SUDDEN CARDIAC ARREST AT ANG 5C PROTOCOL

DOC ZACATE-ZACATERBANG PAYO.jpg

MAGALAS  natin napapanuod sa telenovela ang isang tao na dinadala sa hospital or emergency department para i-resuscitate kadalasan, ang tao ay namamatay at kung minsan naman ang pasyente ay na rerevive. Ano nga ba ang mga pwede natin gawin kung tayo ay makakita ng isang taong nawalan ng tibok ng puso. Narito si Dr Bernadett Velasco, isang emergency medicine physician, upang tulungan tayo pag-usapan ang Sudden Cardiac Arrest.

Ano ang “Sudden Cardiac Arrest SCA”? Ito ay ang biglaang pagtigil ng pagtibok ng puso. Ito ay maaaring mangyari sa kahit sino at walang pinipiling oras at lugar. Kadalasan, ang sudden cardiac arrest or SCA ay sanhi ng isang pre-existing na sa sakit sa puso, ngunit ito ay pwedeng mangyari sa kanino mang may kahit anong karamdaman. “

“Sa loob ng emergency department, madalas tayo na nakakatanggap ng mga tinatawag natin na dead on arrival (DOA). Sila ang mga pasyente na nawalan ng tibok ng puso habang nasa kanilang bahay, sa sasakyan, sa isang pampublikong lugar or kahit saan man sa labas ng ospital. Nakakalungkot isipin na kadalasan, ang mga ito ay dinadala lamang sa ospital na walang kahit ano mang pang-unang management na nailapat.”

“Sa mga sitwasyon na tayo ay makakita ng isang taong na mukhang nawalan ng buhay, may mga paraan upang tayo ay makatulong. Sa panahon ng pandemya, nagsama-sama ang iba’t ibang medical organization tulad ng Philippine Heart Association, Philippine Red Cross, Department of Health at Philippine College of Emergency Medicine upang maglabas ng guidelines para sa pagsagip ng SCA. Ito ang tinatawag na 5C.”

“C- Check. I-check ang tao kung siya ay gumagalaw o humihinga. Tawagin at kamustahin ang biktima. Gawin ang mga ito ng may konting distansya. Importante din na i-check ang kapaligiran kung ito ay safe o hindi. Huwag lumapit sa tao kung hindi safe ang lugar.”

“C- Call. Kung ang biktima ay hindi gumagalaw at humihinga, humingi ng tulong sa mga bystanders or emergency responders. Maaari tayong tumawag sa local emergency numbers or sa One Hospital Command Center. Sabihin ang detalye katulad ng lugar kung nasaan ang biktima. Magpahanap o magpdala din ng Automated External Defibrillator (AED). Gamitin ang AED pag ito ay available na.”
“C- Cover. Dahil sa pandemya, kailangan protektahan ang sarili. Bago hawakan ang biktima, siguraduhin na nakasuot ng face mask. Takpan din ang bibig at ilong ng biktima ng mask o kahit anong tela.”

“C- Compress. Simulan ang pag compress ng dibdib ng biktima. Ilagay ang magkapatong na palad sa gitna ng dibdib ng biktima. Ituwid ang 2 siko, gamit ang pwersa ng katawan, i-compress ang dibdib na may bilis na 100 compressions per minute. Tuloy tuloy gawin ang compression hanggang dumating ang mga emergency responders o ang AED.”

“C- Connect. Kung ang AED ay available na, buksan ito at sundin ang instructions. Ilagay ang pads at pakinggan ang analysis ng AED. Itigil ang pagcompress ng dibdib tuwing nag aanalyze ang AED. Pindutin ang shock button kapag sinabi ng AED. Siguraduhin na walang humahawak sa biktima bago pindutin ang shock button.”

“Nais natin na sa bawat tao na nawalan ng tibok ang puso, may pang unang lunas lagi na mabibigay sa kanya bago madala sa emergency department upang tumaas ang kanyang chance of survival. Malaking tulong na masimulan ang compression sa dibdib at ang paggamit ng AED. Tandaan lamang ang 5C approach. “. Kapag mayroong katanungan maaring mag email sa [email protected] or mag like at mag comment sa fan page na Medicus Et Legem sa facebook link (https://www.facebook.com/Dr-Sam-Zacate-Medicus-et-Legem-995570940634331/)-Dr Samuel A Zacate