BINIGYANG-DIIN ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na ang pag-angkat ng asukal ay dapat sa tunay na magiging benepisyaryo ng mga industriya na nangangailangan nito, gayundin sa mga consuming public sa pangkalahatan.
Sa dalawang araw ng Franchise Asia Philippines 2019 International Conference na magtatapos ngayong Linggo, sinabi ni Lopez na ang mga gumagawa na nangangailangan ng produksiyon ng asukal “are at a disadvantage right now” dahil sa pagbaba ng supply, ayon na rin sa report ng Sugar Regulatory Administration (SRA).
Sinabi rin ni Lopez na kahit na pumayag na ang Department of Agriculture (DA) na mag-angkat ng asukal, ang parating na supply ay itinalaga lamang sa ilang millers at traders. “The good thing is that the DA has actually allowed already the importation of sugar. That’s the good news. The bad news, of course, is it has been limited to a sector — the millers, the traders,” sabi niya.
“Why should it be limited to this sector? Why don’t we allow the sugar-using industry to import their requirements so they benefit from the lower cost input, so the industry will be more competitive? That’s an issue,” aniya.
Ang bansa natin ay nag-aangkat ng higit pa sa 200,000 metric tons (MT) ng asukal para matugunan ang tumataas na presyo ng bilihin. Pero, may ilang 100,000 MT na mga inaangkat na bottlers’ grade refined sugar ay napupunta diretso sa bottling firms, tulad ng Coca-Cola FEMSA Philippines at Pepsi-Cola Products Philippines, Inc.
Ang iba ay nakatalaga na agad sa mga karapat-dapat na traders, na ibebenta nila ang supply para sa mga direktang pangkonsumo.
“At the end of the day, if you add all these costs, additional fees on any sugar importation, when it gets to retail, even to the supermarkets and the wet market, prices of sugar are still high. You get sugar for what used to be PHP50 (per kg.) to close to PHP60 even more PHP65 per kilo,” sabi pa ng hepe ng ahensiya.
“That’s also the reason why some of basic commodities, as sugar, prices have been really going up. It’s not good for the consumers, it’s not good for the manufacturing industry,” dagdag pa ni Lopez. PNA
Comments are closed.