UMABOT na sa PHP366 milyon ang pagkalugi ng sugarcane sector sa Negros Occidental, ang tinawag na sugar capital ng bansa dahil sa tagtuyot dala ng El Niño.
Ang estimate report sa crop damage nitong Miyerkoles na isinumite ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa Office of the Provincial Agriculturist (OPA), ay nagpakita ng pagkalugi na umabot sa PHP324.5 milyon ng asukal at halos PHP41.7 milyon sa molasses.
Ang tinatayang pagkalugi ng produksiyon ay 114,773 tonelada, katumbas ng 223,807.91 50-kilogram na sako ng asukal, at 3,787.51 metrikong tonelada ng molasses.
Sakop ng nasabing bilang ang mga lugar na nasa 42,424.86 ektarya.
Sinabi ni Provincial Agriculturist Japhet Masculino na hindi binanggit sa report ang apektadong government units (LGUs) sa probinsiya.
Nakapagpoprodyus ang Negros Occidental ng halos 60 porsiyento ng output ng Philippine sugar.
Sinabi ni Masculino na ang makatutulong na paraan sa mga sakahan ng tubo ay pinangunahan ng SRA habang ang OPA ay naka-focus sa bigas, gulay at iba pang pananim.
“The cloud seeding operations of the Department of Agriculture in May will also benefit sugarcane farms in the province,” dag-dag pa niya.
Ipinakita ng record ng OPA na ang lugi sa pananim tulad ng bigas at mais ay umabot na sa PHP60.61 milyon.
Ang bayan ng Murcia at Binalbagan ay nakapagtala ng PHP8.29 milyon at PHP7.13 milyon sa rice production losses, ayon sa pagkakasunod.
Ang sobrang init ay nakaapekto ng 1,268 ektarya ng rice farmlands sa 13 local government units, na may total na pagkalugi ng PHP46.77 milyon na sinapit ng 1,380 magsasaka.
Ang natitirang PHP11.5 milyon ay nakarekord sa lugi sa produksyon ng tanim dahil sa peste tulad ng daga, black bugs at leaf blight. PNA
Comments are closed.