MARAMI pa rin ang nasasaktan kapag naalala ang Maguindanao Massacre na ikinamatay ng 58 katao kabilang ang 31 media members.
Kahit 12 taon nang nakalipas mailap pa rin para sa mga pamilya ang hustisya sa 58 katao na karumal-dumal na pinatay sa Sitio Masalay Barangay Salman Ampatuan Maguindanao.
Ayon kay Emily Lopez, ang presidente ng Justice Now Movement (JNM) bagamat nakamit na nila ang katarungan sa promulgation noong 2019, hindi pa rin nila naramdaman ang totoong hustisya sa walang awang pagpatay sa 58 katao kabilang ang 32 na media.
Nangangamba ang pamilya sa mga biktima sa kanilang kaligtasan, lalo na may mahigit 90 na mga suspek ang hindi pa nahuli.
Dismayado rin sila dahil may iilang indibidwal ang nagsasamantala sa kanilang hinagpis kung saan ginagamit ang Maguindanao massacre upang mag-solicit sa mga pulitiko na lingid sa kanilang kaalaman.
Bago lang ay nag-alay ng misa,nagdasal at nagsindi ng kandila ang pamilya ng mga biktima sa Koronadal City,General Santos City at Cotabato City.
Pinagbawalan muna ang pagpunta sa massacre site dahil sab anta ng seguridad at pandemya.
Samantala, ang pamilya ni Maguindanao 2nd District Congressman Esmael ”Toto” Mangudadatu ay mag-aalay ng bulaklak, dasal at magsisindi ng kandila sa Sitio Masalay Barangay Salman Ampatuan Maguindanao.
Matatandaan na makailang beses na hiniling ni Mangudadatu sa gobyerno na hulihin ang mga nalalabing mga suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa 58 katao.