CAMP AGUINALDO – KUNG si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang tatanungin ay suicide bombing ang nangyaring pagsabog sa isang military camp sa Brgy. Tanjung Indanan.
Ayon sa kalihim, malinaw na suicide bombing ang nangyari dahil bitbit ng dalawang nasawing suspek ang pinasabog na bomba sa bisinidad ng military camp.
Ang isa sa mga suspek aniya ay kumatok pa sa gate ng kampo at nang lapitan ng bantay na sundalo para alamin ang kanyang kailangan saka sumabog ang bomba kaya namatay rin sa pagsabog ang suspek kung saan sa kabuuan ay walo ang nasawi kabilang ang tatlong sundalo.
Ibig sabihin aniya, nito tumataas ang level of extremism sa bansa kaya kailangan nilang magpursige pa para mapigilan ang mga plano pang pambobomba.
Makikipag-usap aniya sila sa mga commander sa ground, sa mga traditional leaders, sa mga sultan at datus lalo na sa Bangsamoro Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Naniniwala si Lorenzana na ayaw rin ng mga lider na ito ang mga gulo sa BARMM katulad ng pambobomba. REA SARMIENTO
Comments are closed.