SULTAN KUDARAT- TATLONG anggulo ang pinag-aaralan ng pulisya sa umano’y pagpapakamatay ng isang opisyal ng PNP-Regional Mobile Force Battalion-11 sa compound ng kanyang tahanan sa Purok Osmena, Brgy. Poblacion, Bagumbayan.
Ito ay kung sadyang suicide, accidental firing at homicide.
Sinasabing makaraan ang pagkakatagpo sa labi ni Maj. Krisian Ace Sularte, 35-anyos, ay may kumalat hinggil sa suicide notes nito.
Ayon sa pamunuan ng PNP-RMFBO 11, hindi pa nila masabi kung suicide nga ang nangyari kay Sularte, miyembro ng PNPA Class 2010 at residente ng nabanggit na lugar.
Gayunman, tumanggi ang PNP sa kumakalat na suicide notes umano ni Sularte bago ito nagpatiwakal na nagdadawit sa isang Maximo Sebastian na umano’y dating opisyal nito.
“Hindi pa po natin pa masasabi kung suicide po ang nangyari,” bahagi ng text message ni Region 11 Spokesman P/Maj Jayson Baria sa PILIPINO Mirror.
Dagdag pa ni Baria na kanila pang iniimbestigahan ang umano’y suicide notes.
Ayon kay P/ Major Juluis Malcontento, hepe ng Bagumbayan MPS, kinumpirma nito na natagpuan ang naghihingalong si Sularte sa loob ng kulay silver gray na kotse sa bakuran ng bahay ng kanyang pamilya.
Sa pagsisiyasat ng SKPPO-Scene of the Crime Operatives sa sasakyan ni Sularte narekober sa loob ng kanyang sasakyan ang kanyang baril na cal. 45 at posibleng ito ang nakapatay rin sa kanya. VERLIN RUIZ
Comments are closed.