SUICIDES SA PANAHON NG QUARANTINE DUMAMI SA BAGUIO

suicide

BENGUET – NAALARMA ang kinauukulang ahensya ng lokal na pamahalaan ng Baguio kaugnay sa biglaang pagtaas ng bilang ng “suicides”  simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) noong March 16, 2020.

Ayon kay Baguio City Police Director P/Col. Allen Rae Co, pumalo na sa walo katao ang iniulat na nag suicide sa loob ng bahay dahil na rin sa restriction at stress laban sa coronavirus disease (COVID-9).

Pinakahuling naitalang nag-suicide ay ang 23-anyos  na male helper na nagbigti sa kanyang inuupahang kuwarto sa Barangay New Lucban kahapon ng umaga.

Ayon pa kay Co, lahat ng insidente ay may kaugnayan sa pagpapatupad ng quarantine kung saan inihalintulad nito ang isang 64-anyos na lolo na sinasabing desperado habang hinihintay ang resulta ng kanyang test para sa COVID-19.

Nang lumabas ang resulta na negatibo ay patay na ang biktimang nag-suicide sa loob ng kanyang bahay.

Samantala, humingi naman ng tulong si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa ilang grupo para sa kanilang serbisyo kaugnay sa mga residente na dumaraan sa stress at nakararanas ng depressions.

Sumailalim na stress debriefing ang mga opisyal ng  barangay na karamihan sa kanila ay nakararanas din ng stress sa trabaho sa panahon ng ECQ. MHAR BASCO

Comments are closed.