SUKATAN NG KALIDAD SA LINYADA

SABONG NGAYON

DURING selection of candidates for breeding,  dapat ay mayroon tayong sini-set na target, hindi ‘yung breed ka nang breed tapos hindi mo naman kayang ipaliwanag kung bakit iyon ang pinagpares mo. Be specific sa color.

Ayon kay Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp, isa sa mga indication na tumama ka o hindi ka lumalayo sa quality ng linyada o bloodline ay halos lahat ng na-produce mo for that breeding season ay magkakamukha o uniform ang hitsura.

Sinabi pa ni Doc Marvin na huwag magpapalahi ng manok panabong, dapat po ay ikaw mismo ang nakaaalam kung anong linyada ang nakapaloob sa materyales na gagamitin mo.

Aniya, napakahalaga ng paglista o recording at markings o palatandaan para iyong masusubaybayan kung nagpapanalo ba o hindi.

“Sadya po ang pag-breeding ay tumataya ka riyan kasi ay walang kasiguruhan kung ano ang lalabas pero ibang tayaan ang quality ng linyada na naaayon sa iyong panlasa at dapat kaya mong  ipaliwanag kapag may nagtanong ng bakit,” ani Doc Marvin.

“Kung nanalo na po kayo sa inyong pamamaraan ay ituloy ninyo lang at huwag nang baguhin pa,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa kanya, napakahalaga na mag-set talaga tayo ng target at standard para kung anuman ang lumabas o offspring, maganda o hindi maayos, at least kursunada mo at wala kang sisisihin pa.

“Madaling  humanap ng super galing na manok pero hinding-hindi ka makakakita ng siguradong mananalo!” pagwawakas niya.

Comments are closed.