‘SUKING OUTLET’ NG DTI, PANTAPAT SA MGA SWAPANG NA NEGOSYANTE

Trade Secretary Ramon Lopez

INILUNSAD ng Department of Trade and Industry ang “Suking Outlet”, isang producer to consumer na outlet ng mga murang basic commodities na pantapat sa mga nagtataasang produkto ng mga nagsasamantalang negosyante.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez may mabibilhan na ng mga murang bilihin ang consumers kasunod ng inilunsad na rolling stores na unang inilatag sa Barangay hall sa Commonwealth, Quezon City.

Tiniyak ni DTI Secretary Ramon Lopez, na lahat ng presyo ng bilihin tulad ng bigas, meat products, mga gulay at iba pa ay alinsunod sa suggested retail price (SRP) dahil direkta na nakukuha ang mga ito mula sa mga producer.

Kabilang sa proyektong ito ang Department of Agriculture (DA), National Food Authority (NFA), United Broilers Growers Association, rice producers at mga kumpanya na lumilikha ng mga produkto na regular na makikita sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila ang DTI Suking outlet o rolling stores. BENJARDIE REYES

Comments are closed.