SUKLIAN NG TAPAT NA PAGLILINGKOD

edwin eusebio

Nakalulugod, lubhang nakagagalak,

Pagdaragdag ng umento sa obrerong naglilingkod nang tapat.

Batas na, at ipatutupad nang ganap,

Lagda ng Pangulong Rodrigo Duterte hudyat sa bagong Batas.

 

Laman ng Salary Standardization Law of 2019,

ang pagdaragdag sa sahod ng mga kawani natin.

Kinumpirma ng Budget Department man din..

Kasama na ito sa 2020 na pambansang Gastusin.

 

Ang umento sa Suweldo  ng mga Government worker,

Makatutulong sa kanilang hinagpis.

Sa tumitinding kumpetisyon sa larangan ng business,

Makasasabay  na sila sa gastusang kay bilis.

 

Gayunman, datapuwat kailangan pa rin ang pagtitipid

Pag-iisip sa tamang pagba-Budget.

Iwasan ang pagiging ‘impulsive’..

Bumili lamang ng mga kailangang magagamit.

 

Pagdating naman sa mga gampanin at trabaho

Gawin nawa itong may Debosyon ng mga Empleyado,

Isulit ang nakamit na dagdag umento..

Maging tapat sa Serbisyo-Publiko.



(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)

Comments are closed.