LUMILITAW na bunsod ng umiiral na tensiyon sa West Philippine kaugnay sa mga inaangkin teritoryo ang isa sa mga dahilan ng pagpapalit ng liderato sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa exit interview kay dating AFP chief of Staff Gen. Andres Centino, kinumpirma nitong ilang araw na nilang tinatalakay ni Pangulong Bongbong Marcos ang isyu sa West Philippine Sea at mga posibleng hakbang na nagawa para sana naiwasan ang suliranin sa bahagin ng West Philippine Sea.
Si Gen. Centino ay itinalaga ng Pangulo bilang Presidential Adviser to the West Philippine Sea matapos na ihayag ang pagpapalit ng liderato sa AFP.
Si Centino ay opisyal na pinalitan kahapon ni Philippine Army Chief Lt Gen Romeo Brawner bilang bagong AFP chief of Staff matapos ang ginanap na turn over ceremony sa Camp Aguinaldo.
Sa panayam kay Centino, “there was a need to bring focus on the matters in that part of the country kaya, we have actually mechanisms as to how these issues should be addressed, we have the national task force WPS but our leadership has deemed it important na mabigyan ng focus and importance yung the way we address the issues.”
Ito rin umano ang dahilan kaya nilikha ang office of the Presidential Adviser on West Philippine Sea.
Binigyang din ni Centino, ang kagustuhan ng Pangulong Marcos na matutukan ang mga isyu sa nasabing area.
Kaugnay ito sa mga napapabalitang pagpasok ng mga Chinese vessels sa mga area na saklaw ng territorial domain ng bansa at ang napabalitang dangerous maneuver sa bahagi ng Chinese Coast Guard sa barko naman ng Philippine Coast Guard.
VERLIN RUIZ