NAPAGDUDUHAN na naman ang kapasidad ng militar sa paniniktik kasunod ng magkasunod na pagpapasabog sa Mt. Carmel Church sa Jolo kahapon ng umaga kung saan ang unang explosion ay naganap habang nagmimisa at ang ikalawa ay sa harap ng nasabing simbahan pasado alas-8 ng umaga.
Sa kasagsagan ng pagkuha ng official report mula sa AFP Wesmiscon at PNP-ARMM hinggil sa datos ng mga nasawi at na-sugatan, muling nabuhay ang katanungan kung bakit hindi ito natunugan lalo na’t katatapos lamang ng plebisito para sa Bangsamoro Organic Law kung saan “No” ang nanguna sa botohan.
Sa nasabing pagsabog, mahigit 110 katao ang biktima kasama na ang mga nasawi at nasugatan.
Muli, nanawagan ang mga residente roon na sana ay palakasin pa ng tropa ng pamahalaan na kinabibilangan ng mga sundalo at pulisya ang kanilang paniniktik upang agad mapigilan ang ganitong gawaing pang-terorismo.
Una na nang inamin ni PNP Chief, DG Oscar Albayalde na kaniyang sisilipin kung may kinalaman ang pagpapasabog sa BOL plebiscite.
Kinondena rin ng PNP chief ang nangyaring pagpapasabog.
“We strongly condemn this atrocious act of taking the human lives for whatever purpose the perpetra-tors may have. The PNP together with other government security forces will make sure those who are behind this will be soon identified and put them behind bars,” pahayag pa ni Albayalde. EUNICE C.
Comments are closed.