PANGUNGUNAHAN ng isang ranking lady House official ang pagtataguyod at higit na pagpapakilala sa mayamang kultura ng Sulu, partikilar ang tinaguriang Tausug cuisine o iba’t ibang Halal foods at ang kanilang locally wooven cloth, na tinatawag na Pis Syabit.
Ayon kay Kusug Tausug Partylist Rep. Shernee Tan-Tambut, chairperson ng House Committee on Globalization and WTO, umaasa siyang sa pamamagitan ng aktibong pagtataguyod niya ng Tausug festival food at Pis Syabit ay maitatatak sa isipan ng publiko ang tunay at magandang imahe ng kanilang island province.
Dagdag ng lady partylist lawmaker, layunin din niyang makapag-ambag sa pagsusumikap na pagsiglahin ang kalakalan at paghahanapbuhay ng kanyang mga kababayan na nasa paggawa at pagbebenta ng Sulu-made goods.
“I feel sad that Filipinos outside of the southern Philippine provinces know very little about Sulu except for the few unfortunate events caused by some lawlesselements. I want to show everyone that the Tausugs are a peace-loving people who have protected their unique culture. I would like more Filipinos to learn about this culture, which is a blend of Filipino, Malay and Arabic cultures. Tausug dances and songs, cuisine and clothes are good showcases of Sulu’s rich cultural heritage, hence my desire to popularize Tausug food and the Pis Syabit,” sabi pa ni Tan-Tambut.
Noong nakaraang taon ay binalak ng House panel chairperson na mag-organisa ng isang festival na tatampukan ng Tausug dances, food at clothing. At ngayon namang may nararanasang pandemya, desidido siyang ituloy ito sa pamamagitan ng online promotion at selling.
Pagmamalaki ni Congresswoman Tan-Tambut, sa hanay ng Tausug festival food, na alinsunod sa Halal procedures, pinaka-espesyal sa kanya ang ‘Tiyula Itum’, isang rich green-black spicy beef soup na may lasa ng sinunog na niyog at hinaluan ng exotic spices, gayundin ang ‘Piyanggang Manuk’, na blackened braisedchicken na niluto sa coconut milk at iba pang sangkop na matatagpuan lamang sa Sulu.
Hinggil naman sa Pis Syabit, inilarawan niya ito bilang handwoven, geometrically-patterned cloth na gawa sa silk o cotton, kung saan ang disenyo o detalye ng tela ay base sa kung ano ang espesyal na okasyon na paggagamitan.
Ikinagagalak ni Tan-Tambuk na sa ngayon, ang Pis Syabit ay ginagamit na ring tela sa damit at accessories ng culturally-minded individuals, na ang ibang fashionable Filipinas ay ginagamit itong vests, party dresses at maging sa kanilang long gowns.
“Some designers have started to use this special cloth for small handbags, headbands, belts and earrings. With face covers being a must-have lately, the cloth has also been fashioned into multi-colored, one-of-a-kind face masks,” pagmamalaki pa ng mambabatas.
Ibinahagi naman ni Tan-Tambut sa lahat ang contact details kung saan may mabibiling Tausug food, partikular ang specialty restaurant na ZamBaSulTa Kitchen, na may Facebook account na ZambaSulta Halal Food/ Instagram: @zambasulta kitchen at mobile phone 09054071715. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.