SULU POSIBLENG MAGING TRAINING GROUND NG ISIS

Juan Miguel Zubiri

NANGANGAMBA si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa pag­hahain ng petisyon ni Sulu Former Governor Abdusakur Tan sa Korte Suprema na iginiit na unconstitutional ang naipasang Bangsamoro Organic Law ( BOL).

Sinabi ni Zubiri na kapag humiwalay ang Sulu sa BOL, nanganganib na maging ground recruitment ito ng extremist group partikular na ang grupong ISIS.

Nangangamba rin ang senador na baka matulad sa Marawi ang Sulu nang pasukin ito ng Maute group.

Nagbabala pa si Zubiri sa mga local official ng Sulu partikular na kay dating Governor Tan na maging sila ay malalagay sa panganib sa mga extremist group kapag nangyari ang pangamba nito.

Aniya, walang sinasanto ang terrorist group na kapag hindi sumunod sa kanila ay pinupugutan ng ulo.

Kasabay nito, hinikayat ni Zubiri si Tan na maging bukas ang isipan para sa ikabubuti ng rehiyon para na rin sa seguridad at pag-angat ng ekonomiya sa lugar.

Umaasa rin si Zubiri na hindi mababaril sa SC ang BOL at magtatagumpay ito dahil maingat nilang naipasa ito na tinitiyak na walang nilabag sa Kons­titusyon.  VICKY CERVALES

4 thoughts on “SULU POSIBLENG MAGING TRAINING GROUND NG ISIS”

  1. 419395 451574Quickly and easily build your internet traffic and PR, which provides Web website visitors to add your page to any social bookmarking website. 393181

Comments are closed.