IMINUNGKAHI ni House Minority Leader Danilo Suarez na tapusin na ang Sumag River Diversion Project para maibsan ang problema sa krisis sa tubig.
Ang Sumag River Diversion Project ang magsusuplay ng tubig sa Umiray River papuntang Angat reservoir para magtuloy-tuloy ang suplay ng tubig ng Maynilad at Manila Water.
Natigil lamang ang pagtatayo ng proyekto sa Quezon bunsod ng nangyaring aksidente noong 2016 kung saan anim ang nasawi.
Sakaling ituloy ngayon ang konstruksiyon ng diversion tunnel ay inaasahang matatapos ito bago matapos ang 2019.
Ipinaabot na rin ni Suarez kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang mungkahing alisin ang suspensiyon sa pagtatayo sa Sumag River project.
Inirekomenda rin ng kongresista ang Kanan River Bulk Water na isinusulong ng Energy World Corpora-tion para makapagbigay ng long-term solutions sa kakapusan ng suplay sa tubig na mas ‘beneficial’, aniya, kumpara sa Kaliwa Dam na popondohan mula sa utang sa China. CONDE BATAC
Comments are closed.