(Sumalubong sa Abril) P35.75/TANGKE NA DAGDAG PRESYO SA LPG

MAY dagdag sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) simula kahapon, Abril 1.

Ito na ang ika-4 na sunod na buwan na may pagtaaa sa presyo ng LPG.

Sa magkahiwalay na abiso, itinaas ng Petron at Phoenix LPG Phils. Inc. ang presyo ng kanilang LPG ng P3.25 per kilogram.

Nagtaas din ng presyo ang Solane-branded LPG ng P3.27 per kilogram simula alas-6 ng umaga nitong Biyernes.

Ang bagong price adjustments ay katumbas ng P35.75 hanggang P35.97 pagtaas para sa regular 11-kilogram LPG cylinder.

Ayon sa  Department of Energy (DOE), ang presyo ng 11-kilogram LPG tank ay naglalaro sa pagitan ng P880 at P1,100.

Samantala, itinaas din ng Phoenix LPG at Petron ang presyo ng AutoLPG ng P1.80 at PHP1.81 per liter, ayon sa pagkakasunod. PNA