(Sumalubong sa Bagong Taon) ROLBAK SA PRESYO NG LPG

MAY bawas sa presyo ng kada kilo ng liquefied petroleum gas (LPG) simula kahapon, New Year’s Day.

Ayon sa Solane, ang presyo ng kanilang LPG ay may tapyas na P0.91 kada kilo o katumbas ng P10.01 kada 11 kg regular cylinder tank.

Ang Petron ay may P0.90 kada kilo na rolbak sa kanilang LPG o P9.90 kada tangke.

“This reflects the international contract price of LPG for the month of January,” ayon sa dalawang oil companies.

Inaasahang masusundan pa ito dahil sa downtrend na nakikita sa pamilihan, kung saan pangunahing kinokonsidera ang supply at demand.

Nitong Martes, Disyembre 31, ang presyo ng kada litro ng diesel at gasolina ay bumaba ng P0.30, at kerosene ng P0.90.

Noong nakaraang Martes, Dis. 24, ang presyo ng gasolina ay tumaas ng P0.50 kada litro, diesel ng P1.45 kada litro, at kerosene ng P0.75 kada litro.