(Sumalubong sa Disyembre)PRICE HIKE SA LPG

LPG TANK-2

TAAS-PRESYO sa liquefied petroleum gas (LPG) ang sumalubong sa mga consumer sa pagpasok ng Disyembre.

Sa magkahiwalay na anunsiyo, sinabi ng Petron at Phoenix LPG na tumaas ang presyo ng kanilang LPG ng P2.25 kada kilo, habang ang Solane-branded LPG ay nagtaas ng P2.27 kada kilo.

Katumbas ito ng P24.75 hanggang P24.97 na price increase para sa regular 11-kilogram LPG cylinder.

Tinaasan din ng Petron at Phoenix ang AutoLPG price ng P1.26 at P1.25 kada litro, ayon sa pagkakasunod.

Ang paggalaw sa presyo sa domestic market ay sanhi ng pagtaas sa international contract prices ng LPG ngayong buwan.

PNA