MAY malakihang bawas sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) simula kahapon, Hunyo 1.
Sa abiso ng Petron, nasa P6.20 per kilogram ang rolbak sa presyo ng household LPG. Katumbas ito ng P68.20 tapyas sa kada 11-kilogram na tangke ng LPG.
Ang presyo ng AutoLPG ay may bawas naman na P3.47 kada litro.
Samantala, ang Solane ay nagpatupad ng P6.18 per kilogram na rolbak sa kanilang LPG, habang ang
Phoenix Super LPG ay bumaba ng 6.10 per kilogram.
Katumbas ito ng P67.98 at P67.10 bawas sa kada 11-kilogram na tangke ng LPG.
“These reflect the international contract price of LPG for the month of June,” ayon sa Petron.